본문으로

SCROLL DOWN

2025 Senso ng Agrikultura, Paggugubat, at Pangisdaan

Senso ng Agrikultura, Paggugubat, at Pangisdaan

Ano ang Senso ng Agrikultura, Paggugubat, at Pangisdaan?

Ito ang isa sa pinakamahahalagang pambansang sarbey pang-estadistika upang matukoy ang sukat, estruktura, distribusyon, at katangian ng mga sambahayan sa kabukiran, kagubatan, at pangisdaan sa buong bansa.

Ang mga Resulta ng Senso ng Agrikultura, Paggugubat, at Pangisdaan

Ang mga resulta ng senso ang magbibigay ng mga batayang datos na kailangan para malaman ang mga pagbabagong estruktural sa mga lugar sa kanayunan at upang makapagtakda at makapagtaya ng mga kaugnay na polisiya, at ginagamit para sa mga sampling frame at iba’t ibang uri ng sampling sa mga sektor ng agrikultura, paggugubat, at pangisdaan.

  • 01
    Ginagamit bilang batayang datos para sa planong pagpapaunlad ng mga rehiyon sa mga lugar sa kanayunan

    Nakatutulong ang senso sa pagtukoy ng sukat, estruktura, distribusyon, at katangian ng sambahayan at mga miyembro nito sa kabukiran, kagubatan, at pangisdaan, at ginagamit ang mga resulta bilang batayang datos sa pagtatakda ng mga pangunahing pambansang polisiya. Ilan sa mga kilalang halimbawa sa paggamit ng mga resulta ng senso bilang batayang datos ay ang mga sumusunod

  • 02
    Ginagamit bilang datos pampopulasyon para sa iba’t ibang mga sarbey

    Ang mga resulta ng Senso sa Agrikultura, Paggugubat, at Pangisdaan na tumataya sa mga katangian ng mga sambahayan sa kabukiran, kagubatan at pangisdaan sa buong bansa, ay ginagamit para sa sampling at mga sampling frame para sa mga sarbey na may kaugnayan sa agrikultura, paggugubat, at/o pangisdaan.

  • 03
    Nagbibigay ng mga batayang datos para sa pagpapaunlad ng sub-rehiyonal na polisiya

    Nakalilikha ito ng mga estadistika sa antas na sub-rehiyonal (administratibong yunit “ri”), at ginagamit ang mga resulta bilang batayan sa pagtatakda ng mga sustenableng polisiyang pagpapaunlad sa mga kanayunan.

  • 04
    Paghahambing sa mga datos mula sa pagsasaliksik pang-akademiko at datos sa pagitan ng mga bansa sa mga sektor ng agrikultura, paggugubat, at pangisdaan
    • Ang mga resulta ng sarbey ay ginagamit bilang materyales sa pananaliksik ng mga pamantasan, mga institusyon sa pananaliksik, at mga kumpanya.
    • Ang mga resulta ay ibinibigay bilang datos para sa World Program for the Census of Agriculture (WCA), sa ilalim ng superbisyon ng United Nations Food and Agriculture Organization (UN FAO).

      Ang WCA ay isang pandaigdigang sarbey sa sektor na pang-agrikultura na mahigit 120 mga bansa ang sumali ayon sa rekomendasyon ng UN FAO. Ang mga sumaling bansa ay pumili ng mga sarbey na aytem ayon sa rekomendasyon ng WCA noong 2020, na nagpapahintulot sa paghahambingan ng mga resulta ng sarbey sa pagitan ng mga bansa.

Pangkalahatang Idea ng Senso

Layunin

  • 01

    On-site na aplikasyon para sa mga pagpapabuti tulad ng pamamaraang elektronikong sarbey (CAPI, CASI), mga aytem sa sarbey, sistema ng sarbey, panahon ng sarbey, paglikom sa lakas-tao, operasyon ng pagpasok ng mga datos at sistema ng pamamahala, sitwasyong silid, operasyon ng call center, atbp.

  • 02

    Komprehensibong pinal na on-site na inspeksiyon ng kahandaan tulad ng dami ng gawain, sitwasyong silid, pagbibigay/pagkuha ng tablet PC, atbp., at koneksiyon sa Senso ng Populasyon at Pabahay

Panahon ng Sarbey

  • Pagbabatayang punto ng oras
    Hanggang Disyembre 1, 2024 (Linggo), 0:00 a.m.
  • Paghahandang Sarbey
    Disyembre 2, 2024 (Lunes)
  • Aktuwal na Sarbey
    Disyembre 3 (Martes) ~ 18 (Miyerkoles), 2024

Target ng Sarbey

  • Lahat ng sambahayan sa kabukiran, kagubatan, at pangisdaan sa lugar ng kauna-unahang sarbey sa araw ng Disyembre 1, 2024 sa ganap na 0:00
  • Lugar na target (15 lugar sa isang si (lungsod) at isang gun (county)): Yesan County, Probinsiya ng Chungcheongnam-do (lahat ng 12 eup/myeon/dong) at Lungsod ng Dangjin (3 lugar: Seokmun-myeon, Songsan-myeon, and Songak-eup)
Sambahayan sa Kabukiran
  • Isang sambahayang direktang nagsasaka ng 1,000 ㎡ (10 a) o higit pang palayan hanggang sa araw ng Disyembre 1, 2024
  • Isang sambahayang nagbenta ng hindi bababa sa KRW 1.2 milyon halaga ng produktong pang-agrikultura at mga hayop na sila mismo ang may gawa/nag-alaga sa loob ng nakalipas na taon (Disyembre. 1, 2023 hanggang Nobyembre. 30, 2024)
  • Isang sambahayang ang mga alagang hayop ay nagkakahalaga ng KRW 1.2 milyon o higit pa pagsapit ng Disyembre 1, 2024
Sambahayan sa Paggugubat
  • Isang sambahayang nagmamay-ari ng 30,000 ㎡ (3 ha) o higit pa na lupang pangkagubatan at may kaugnayan sa gawaing paggugubat (pagtatanim ng puno, pagpapanumbalik ng gubat, pagpapanipis, pagputol ng puno, atbp.) sa loob ng nakalipas na 5 taon (Disyembre. 1, 2019 hanggang Nobyembre. 30, 2024)
  • Isang sambahayang nagpapatakbo ng negosyong pagputol ng mga puno o nursery (pagpapatubo ng mga binhi para sa pagpapanumbalik ng gubat) sa nakalipas na taon (Disyembre. 1, 2023 hanggang Nobyembre. 30, 2024)
  • Isang sambahayang nakapagbenta ng hindi bababa sa KRW 1.2 milyon halaga ng produktong kagubatan na sila mismo ang may gawa o umani sa nakalipas na taon (Disyembre 1, 2023 hanggang Nobyembre 30, 2024)
Sambahayan sa Pangisdaan
  • Isang sambahayang may kaugnayan sa pangingisda (sasakyang pangisda, pagsisid na walang aparato, o paggamit ng iba pang pamamaraan sa pangingisda) o aquaculture sa dagat o panloob na katubigan sa loob ng hindi bababa sa isang buwan para sa layuning makabenta sa loob ng nakalipas na taon (Disyembre 1, 2023 hanggang Nobyembre 30, 2024)
  • Isang sambahayang nakabenta ng hindi bababa sa KRW 1.2 milyong halaga ng produkto mula sa pangingisda na sila mismo ang humuli o nag-alaga sa nakalipas na taon (Disyembre 1, 2023 hanggang Nobyembre. 30, 2024)
  • Isang sambahayang ang mga produktong aquatic ay nagkakahalaga ng KRW 1.2 milyon o higit pa hanggang sa araw ng Disyembre 1, 2024

Pamamaraan ng Sarbey

  • Mga panayam na isinasagawa ng mga nagsasarbey na bumibisita sa mga sambahayan sa lugar ng sarbey (computer-assisted personal interviewing, CAPI)
  • Mga respondenteng mag-isang sumasagot sa talatanungang nasa papel (ipinamamahagi ng mga nagsasarbey ang mga talatanungan sa mga sasagot, at kokolektahin na lamang ang mga ito matapos sagutan)
  • Mga respondenteng sumasagot sa online na talatanungan (computer-assisted self-interviewing, CASI)

Sistema ng Sarbey

  • Inorganisa ng: Statistics Korea
  • Ipinatupad ng: Lungsod ng Dangjin at Yesan County, Probinsiya ng Chungcheongnam-do
survey system

Statistics Korea → Lungsod/Lalawigan → Lungsod/County → Eup/Myeon( Tagasarbey, Katuwang, Tagapamahala ng Senso, Taong in-charge sa eup/myeon, Pinuno ng ri (hepe ng nayon))

Proteksiyon sa Sikretong Impormasyon ng Respondente sa Ilalim ng Batas Estadistika

Proteksiyon sa Sikretong Impormasyon at Pagbabawal sa Paggamit Nito Liban sa Mga Layuning Pang-estadistika

Artikulo 33 (Proteksiyon ng mga Sikreto)
  • 01

    Ang mga bagay na ipinaliwanag bilang mga sikretong impormasyon ng mga indibidwal, korporasyon, organisasyon, atbp., na nalaman sa proseso ng pagkuha ng estadistika, ay poprotektahan.

  • 02

    Ang mga datos na sikretong impormasyon ng mga indibidwal, korporasyon, at organisasyon, atbp., na nalikha sa pagkalap ng estadistika ay hindi maaaring gamitin sa anuman maliban na lamang sa mga layunin na paggawa ng estadistika.

Pagbabawal sa Paglalabas at Maling Paggamit ng mga Personal na Impormasyon

Artikulo 34 (Tungkulin ng Kawani ng Estadistika)
  • 01

    Ang isang tao na miyembro o dating miyembro ng statistics staff o kasalukuyan o dating sangkot sa gawain ng paggawa ng estadistika matapos pagkatiwalaan na makasali sa bahagi o kabuuan ng gawain ng isang itinalagang ahensiya sa serbisyong estadistika ay hindi maaaring gamitin ang kaniyang mga nalaman noong panahon na kaniyang isinasagawa ang tungkulin maliban sa layunin na pagsasagawa ng tungkulnig iniatas sa kaniya, at hindi rin niya ito maaaring ibigay sa ibang tao.